Thursday, October 29, 2009

isang kahig, isang tuka

araw-araw ginigising ng aking ina, mag-aayos, magbibihis, babyahe, magtatrabaho, uuwi, bahay, pc at tulog. ganyan lang ang ikot ng buhay ko ngayon. walang gala, walang kaibigan at walng pera. sa ngayon, dahil di ako nakauwi sa oras noong nakaraan, pinagbawalan na akong pumunta sa mga sosyalan. hay naku, yun na nga lang kaligayan ko sa buhay ko, nawala pa. di mo naitatanong na napaka-boring talaga ng buhay ko simula't simula pa. ewan ko ba kung bakit ganito. marami akong gustong gawin, di ko magawa. lagi akong pinipigilan ng mga taong nakapaligid sa akin at mga pagkakataon, katulad ngayon, plano kong pumunta ng rock awards ang kaso biernes ng gabi eh may trabaho ako kinabukasan at sa araw na rin yun makukuha ang una kong sahod. badtrip na wrong timing..talagang sinadya para maging malungkot ako, puta. para bang lahat halos ng galaw ko bawal. tapos kelangan sumunod sa mga panatuntunan para maging kapakipakinabang. masunurin ako kaso wala akong nakukuhang matino sa pagsunod. lagi akong alila, lagi akong mali. kung ganito na lang palagi ang sistema, mabuti pang gumawa na ako ng sariling kong powerpoint presentation para sa magaganap na necrological mass.

sa ngayon, ako'y pinanganak para magtrabaho lamang. walang kasiyahan.

No comments: