katulad ng kinagaulian, pumunta ako sa sementeryo. kasama ko ang butihing ama at dumalaw sa mga namayapa. andun kasi ang magulang ng ermats ko at yung dapat naming bunsong kapatid. kada-nov. 1, pumunta kami dun pero hiwalay ako pumunta dun sa kadahilanang pang-sarili. kasi kung ako lang mag-isa dun, nagmumukha akong pogi! haha...ayun, andun kami, ang lamig as usual kaso di ko kasama si keats and yeats. pag dating namin ang linis na at ang daming tao. ang daming taong mga naka-hiphop ang outfit at kung ano anong pagbabandera ng kanilang gansta at frat kuno. hay naku, uso na dito yan. nagtirik lang kami ng kandila at umupo at pinagmasdan ang mga tao. ang ingay ng mga kalalakihang kabataan at napapa-pansin sa mga dalagita, mga kumakain, mga batang gala, mga kumukha ng mga tira ng kandila at ginagawang candle wax ball (ginagawa ko rin yun dati) at mga konsehal at mga volunteers. sa ngayon, ang daming tao at maraming nawawala. wala na rin yung peryahan malapit sa sementeryo pero andun pa rin ang sound system ng information center. medyo ok na ang sounds nila ngayon, puros air supply, ang kaso pagkatapos ng playlist naging 2NE1 at nobody but you. pero ok na yun, kesa naman sa mga low-budget na mga demo recordings ng mga rap na maririnig mo sa mga kabataang gansta. medyo naaning pa naman ako pag naririnig ko yun. ewan ko ba, lumalabas na naman ang aking pagiging metal militia spirit. ayun, at dahil kasama ko erpats ko kanina, di ako nakaporma. in demand pa naman ngayon yung mga long-hair na mukhang rakista! haha..pero sorry ayoko na tawagin akong rakista kasi jologs na yun! haha
ang galing ng sementeryo sa amin. gilid kasi ito ng burol at kung makakapunta ka dito, parang ito'y terraces ng mga nitso. sa sobrang dami ng nilibing dito, halos saliwa na ang ayos. para makapunta ka sa panonooronan mo, dadaan ka muna sa ibabaw ng mga nitso. pero mababait naman ang mga tao, nagpapadaan sila eh kasi naman, walang matinong daanan. dito ito katulad ng mga libingan ng mga elitista at mga bayani. kakaiba dito, parating maingay at talagang pyesta ng mga patay. pwede ka ngang magtakas ng alak dito sa sobrang luwag. ( marami kasing lagusan dito) wala namang riot ng mga duwang na kabataan ang nangyayari. buti naman kasi kung mayron, papatayin ko silang lahat! haha..ayos! di ko sila trip eh..mga jologs! haha
ayun, natapos ang raw na ganun lang nangyari. taon-taon ganun na lang. paulit-ulit. sayang nga lang, wala pa akong kamera para makunan ang mahal naming sementeryo. pag nakita mo ito, magugulat ka sa tindi! haha...
FYI : pag normal days, nagiging motel yan ng mga kabataan. haha
Sunday, November 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment