Tuesday, January 3, 2012

hindi ko alam kung bakit ako malungkot ngayon.

umaga, tanghali, hapon, gabi...ayun walang text. ang saya saya. pero kahit ganun sino ba naman ako umaasa sa mga text. eh kaso hindi ko alam kung bakit ako malungkot. dahil ba sa mga dito? o kaya tuluyan na akong nahuhulog sa kalokohang ko ito para sa ito. isang malinis na kalokohan. kaya ngayon, nakikinig na lang ako sa mga 90's alternative na kinalakihan ko. yung panahon ng NU 107 na ubod pa ng ganda.

Monday, January 2, 2012

2012: kalabuan

bagong taon na, mag bagong buhay. pero kahit anung baguhin sa buhay ko, ganun pa rin ang nasa paligid ko. pare-parehong problema at ako nahahawa na rin. malapit na akong lamunin ng mga negatibo at mga agresibong pakikibaka para sa radikal na uri ng buhay. hindi ko alam kung anung ibig sabihin ng tinutukoy ko, basta ayun na lang yun. bahala na kung anung mangyari sa akin. bukas o samakalawa, baka kung anu na mangyari sa akin, manalo sa lotto, umiskor sa seksing artist o kaya maging bukkake partner ni ozawa. habang sa mga oras na ito, kasalukuyang nakikinig ako ng mga walang kamatayang OPM. nagtetext sa diehard kong 1600 si dovi. ayun, matagal na rin kaming di nagkaka-usap at nagkikita. kaninang hapon, puro jazz ang pinakinggan ko. at nung umaga, mga punk naman. ayun, ang buhay. nagpapakasaya sa mga musika kasi ayun na lang ang tanging paraan para makalimutan ko ang mga ewan dito sa mundo. talagang maniniwala na ako sa "musika ang tanging kalaguyo sa buhay".

ilang linggo na rin akong inuubo. sa ngayon, wala na akong plema, pero ubo pa rin ako ng ubo. nakakatuwa dun, tuwing nasa aircon, kulob at pag gabi ako inuubo. hindi ko na alam kung anung mga nangyayari sa akin at laging sinasabi ng mga kakilala ko na tumataba na ako. simula nung nagpagupit ako, tumaba na ako ng ganito. kaya gusto ko na ulet magpahaba ng buhok. hindi na ako babalik sa tup, kasi mga nakakalabo na ang mga tao dun. galit sa mga long hair. magtatrabaho na lang ako sa mga artsy-fartsy na mga studio. magpapaka-artist na ulet ako kahit hindi. magpipinta na ulit ako kahit ako maalam sa anatomy ng tao. gagawin ko na ang lahat ng mga bagay na magpapakasaya sa akin. gagala na ako ng marami. hindi na ako mahihiyang ilaba ang aking kamera at tsaka kakapalan ko na ang mukha ko para maka-iskor ng tsiks. haha

dapat pala ugaliin ko ng mag-post dito. kahit mali-mali ang ingles at pilipino. ok ding pang alis stress sa buhay. 2012 na kaya dapat maging aktibo na ako sa mga ganito. ayus.