Thursday, August 18, 2011

the song remains the same

buong araw na akong nakikinig sa led zep. sa opisina, habang nagdodrawing ako, si manong ronnie ay ganadong magtrabaho. kumakanta kanta pa ng stairway to heaven habang sinasabayan niya yung nasa telepono ko. tapos biglang nagkwento. nakakatuwa, naabutan niya kasi yung banda na yun. naabutan niya ang mga magagandang kanta at mga banda noon. habang nagkukwento siya, ako namang si boy sise na nagpapantasya na sana nabuhay na lang ako sa panahon na yun. pero ayaw ko sa pinas kasi martial law nun, at kung college student ako nung mga panahon na yun, isa na ako sa mga nawawala. ayun kwneto si ng kwento habang inaayos ang ilaw sa pwesto ko. biglang dumating ang boss kong may banda noong araw. narinig din niya yung sa telepono sabay sabi, " pag nakikinig ka sa led zep, dapat parang naka-droga ka". pabiro niyang sinabi yun, at ako naman si sang-ayon. nakita niya kasi led zep pinapakinggan ko sabay nagdo-drawing ako ng imahe ni papa jesas. nung isang araw, rolling stones naman. tapos kanina di niya narinig, black sabbath. wala lang. nakakarelax kasi lalo na kung mag-isa lang sa lugar at nakakaantok ang lugar. tumataba na nga ako kasi kain ako ng kain ng tsokolate habang nagdo-drawing. parang sa opisina yung 3 kong boss at ako nakikinig ng maiingay na tugtugan. yung iba, puro pop at mga latest. nakikinig din naman ako sa easy listening kaso minsan inaantok na ako dun. cheesy kasi minsan. kaya nakikinig ako sa maiingay para gising na gisin ako. tsaka ayun naman ang kinalakihan ko.

naalala ko, natatandaang miyembro ng led zep ni manang ronnie ay si john bonham. nakakatuwa

Monday, August 15, 2011

senses working overtime

Hai, hai,
The clouds are black.
There's straw for the junkies,
And my housemates all sleep safely,
All sleep safely.

tulog na ang mga kasama ko sa bahay at ako na lang ang gising. tinapos ako ng aking 1-page 500+ term paper kuno sa aking world lit subject. nakakatawa pwede ko ito gawin kanina kaso maraming ginawa. ang ginawa ko kanina, mag-drawing ng planong paggawa ng stuff toy na "basura" na ginawa ko noon. sa ngayon, ewan ko kung saang basura na napunta yun. yung pinagbigyan ko nun, ayun nasa benilde pa ata at may syotang koryeno. ngayon, gagawa na naman ako para sa taong gusto ko talagang pagbigyan ng regalo noon pa. sensya na kung nagsinungaling ako sa text pero ang totoo para sa kanya yun. gusto ko surprise kasi may chance na di ko matapos. at least kahit di ko sinabi agad, walang sise. eh kaso sinabi ko na dito, at mababasa mo pa. oki lang, bahala na. mabuti ng alam mo. ganado na akong gawin yun.

ang tahimik ang araw ng linggo ko. wala akong ginawa kungdi nasa bahay lang para maglinis, mag-drawing at mangbwiset ng kasama sa bahay. wala ako sa mood maging masaya kanina kasi parang kulang ang araw eh. parang ang lungkot. ewan ko ba. baka sa mga nasabi ko noong nakaraang araw, o feelingero mode na naman ako at ako na ang pogi. shet. basta wala akong gana kanina. walang ganang mabuhay.

mabuti na lang may music para makapag-pakalma ng taong sabog na sa buhay.

Friday, August 12, 2011

friday, i'm in love


isa itong pagpapa-totoo na di masabi ng personal dahil sa mga "conflict" sa buhay. daan na lang naten sa moleskine. :D

posted august 12, friday.

Thursday, August 11, 2011

mahal, ginagabi ka na naman

sure ball ang pag-ibig ko sa iyo kasi ikaw ang idol ko. eh kaso mukhang may natitipuhan namang iba at tsaka maraming manliligaw. ako namang si gago ay di na aasa pa sa mga pag-ibig epek. ang labo ng buhay, sana makapiling kita at makaulayaw.

matagal na rin itong nararamdaman kong ito. nakakatuwa at ikaw pa. pag tumatagal lalong tumitibay ang pagtangis ko sa iyo. madalas akong napupuyat sa text at chat naten. pero ayos lang, ikaw naman ang andyan. masya ka, masaya na rin ako.ang tanong, kung pareho tayo ng nararamdaman. so many questions sa aking isipan at walang matinong solusyon sa mga ito. ang alam ko lang, mahal kita, ngunit may napupusuan ka ng iba. ang hiling ko lamang, nandito ako maghihintay sa iyo, magpakailanman! minsan lang kitang ibigin kaya todo na ito. isang daang pursyento. walang paltos, walang kaba. kaya kung tayo'y nagkakalayo, ang longkot. tag-araw, tag-ulan man, ikaw lang. prames.

kung sa kanya ka masaya, edi dyan ka na. ganun naman eh. ang pag-ibig ay isang sugal at one-time bigtime. pag natumbok ang jackpot, ayos. pag hindi, sorry na lang. better luck next life. this will be our parting time for us and i can move on if the feeling is gone.





---ayan ang mga titles ng mga kanta na pinapakinggan ko ngayon. sana masaya ang biernes at mga susunod na araw di tulad ngayon.

Wednesday, August 10, 2011

bakit ngayon ka lang?


makalipas ang ilang buwan, nakalimutan ko na mayroon pa pala akong ganito. as usual, wala akong followers kasi emo ako. haha. nakakatamad lang kasi, tsaka wala naman akong kakilalang nagbablag. meron pala, kaso nakakahiyang i-add. haha. madiskubre pa naman merong "something fishy" sa buhay ko, namen..nateng lahat.

sept. 2010 ang huling post, pagkatapos nun, ganun pa rin. ang pinagbago lang, umabot na ng 10 ang kamera ko. may Canon P na ako, yehey! 350 sa isang japan surplus. tyempo nga, sana may radiation! haha. ganun pa rin ang trabaho. nag-aaral ulet para maging industrial designer. kaso puro tambay na naman. ang sayang mag-balik aral sa AutoCad at mag-bus spot kahit na pinatalsik ako sa Buses In the Philippines kasi bobo ang isang admin dun. Pasista, Tuta ng tropa nila. kawawa naman. ayun lang. nung nawala ako dun, masaya ako. marami akong nakilala, na-adik sa tri mo shawarma co. balik sa dati ang buhok ko. nakikinig pa rin sa s tandard playlist ko na galing pa sa dati kong trabaho. ayun lang....


gusto ko lang gawin ang mag-lasheng!