Thursday, October 29, 2009
isang kahig, isang tuka
sa ngayon, ako'y pinanganak para magtrabaho lamang. walang kasiyahan.
Thursday, October 22, 2009
ginawa ko ito habang umaawit si basil valdez.
araw-araw, sa jac liner na ako sumasakay. parang dati, pinapangarap ko silang sakyan kaso byaheng lucena sila. eh biglang nagkaroon sila ng byaheng biñan kaya ayun, lagi na akong sa kanila. nakilala ko pa yung inspektor nila. di ko natanong yung pangalan pero lagi kong tawag sa kanya manong lang. masayahin si manong at lagi niya akong binabati sa umaga. pag wala pang bus, nagkukwentuhan kami tungkol sa mga bus at buhay-buhay. nakakatuwa si manong. tiga-antipolo siya at madaling araw siyang umaalis ng bahay nila kasi sa biñan siya naka-destino. madalas ko siyang nakikita sa umaga. dinaig pa ako ni manong sa layo ng trabaho. sa totoo lang, ngayon lang ulet ako naging malapit sa tao. parang dati di ako ganyan. pero dahil sa ngalan ng aking obsesyon, at yun ay mga bus, nakilala ko si manong. kinukulit nga ako ng kuya ko na humngi ako ng passes sa bus. ayaw ko, nakakahiya tsaka may pambayad pa naman ako. haha
gabi-gabi na naman ako naglalaro ng red-alert pagkatapos mag-check ng mail, facebook at flickr. sa facebook na mgayon medyo aktibo. andun lahat yung mga old friends eh. ngayon ko lang sila nakakausap ulet kaya ayun. di naman ako gaanong aktibo sa flickr, kasi tinatamad na akong gumawa ng bus, tapos parang ayaw ko ng mag-upload sa main account ko. ayaw ko ng mawala ang mga ilang uploads na nagsilbing kanlungan sa akin. boring kasi noon, eh may nakilala, tapos ayun, sumaya. eh ngayong, parang wala na...kaya balik ulet sa dati. siguro mag-uupload na lang ulet ako dun pag may camera na ako. kaya ayun, kelangan ko na rin magkaroon ng camera.
mukha ba akong satanista o isang atheist?
kasi sa tuwing nakakakilala ako ng mga relihiyosong mga tao, lagi nila akong sinasama sa mga religious activites para medyo magbagong buhay na daw ako. pero di ko sila sinusunod, ayaw ko kasi eh. oki na sa akin ang ganito. tahimik at walang inaalala. naiintindihan naman siguro ni papa jesas kung ano gusto kong mangyari. sa totoo lang, sa ngayon..nabubuhay akong walang diyos. parang ganun. pero yung pinapasukan ko, puro religious item ang ginagawa. kaya nagugulat ang mga kakilala ko kung bakit di daw ako nalulusaw. haha. hinahayaan ko lang sila, trabaho yun eh. pero pinagpapaguran ko yung mga yun, kaya kahit papaano, nasisiyahan ang papa jesas niyo sa akin. naniniwala kasi akong religion fuels war. kaya ayun, napakasama ko na talagang tao.
kaya ayun, kelangan ko ng maglaba para may masuot sa susunod na araw. ngapala, lunes haggang sabado ang pasok ko. 8am - 5pm. pag sabado, hanggang 12 lang. kaya ang saya-saya.
Saturday, October 17, 2009
ako'y isang masamang anak.
Tuesday, October 13, 2009
i walk alone
nakapunta ako ng matiwasay sa bago kong trabaho. gumawa ang ng napakalaking divider na gawa sa stained glass. kaso drawing pa lang at wala pa yung picture puzzle. sa susunod pa lang daw. ok naman ang mga tao, masayahin at malalakas uminom! ayan, gusto ko yan...at napapasubok na naman ako sa gin. eh gin pa naman ang pinaka-mahina ko. naalala ko sa bora, wasak na wasak ako sa gin. hanggang kinabukasan wasak pa rin. nawala lang ang sumpa pagkalipas ng 3 days...na may gin ulet! hehe. naging ok naman ang lahat...at mukhang 6-months ito! haha
pagka-uwian lumabas na naman ang pagiging adventurous ko. ayun, at binalikan ko ulet yung mga dati kong nilalakaran pag pauwi sa dati kong trabaho. may mga nagbago.. may mga building na bago, eh huling daan ko dun, sinisimula pa lang at wala na ang makro, hypermarket na. ang maganda dun, ang layo ng nilakad ko! hahaha
bukas, ganun na naman ulet, hanggang sa magsawa ulet ako sa mga ginagawa kong lakbay-diwa araw-araw. pero pramis, dun sa bago kong pinapasukan, yung daan..puro tsik! haha
Monday, October 12, 2009
found a job
8am - 5pm ang magiging pasok ko dun. mas napaaga kesa sa dati ko na 10am - 7pm. pero ok lang, parang nag-aaral ulet ako. ganun kasi oras ng pasok ko. at masaya palagi ang byahe ko dahil sa mga nakakasabay kong mga kolehiyala mula sa mga paboborito kong eskwelahan. hehe. kaya ayun, mukhang kelangang maging pogi ulet! haha. pero balik sa trabaho, excited na rin ako. kelangan ko alamin ang mga pasikot-sikot sa stained glass making. matagal ko na kasing nakikita yan, kaso di ko alam ang paggawa. kaya talagang mag-eenjoy ako dito. ang nakakagulat, malakihan ang gawa at halos pang-simbahan. eh nagsisimula na ako maging atheist kaya mukhang pag andun ako, mapapalapit na naman ako kay papa jesas. nakakatuwa naman, kahit papaano, di pa niya ako pinapabayaan, ni wala pa siyang balak na kunin ako. eh ako yung nagpupumilit na kunin na niya ako kasi nga dito mga problema sa buhay at kung ano-ano, pero mabuti na rin. mukhang nabiyayaan na rin. kaya salamat din sa iyo. hayaan mo, pagbubutihan ko maiigi ng maging kapakipakinabang na pilipino! haha. nung nakalipas kasi ng 3-buwan, wala akong kwenta! hahaha
at dahil dun, kelangan ko na laging maaga matulog, isakripisyo ang flickr, facebook at torrent, at kelangang uminom ulet ng sterilized milk. sana maging ok na ang lahat pati ang buhay ko! haha
Saturday, October 10, 2009
kumikitang kabuhayan
bukas, ganito na naman ang eksena hanggang sa magsawa ako dito sa bahay.
Thursday, October 8, 2009
runnin' blue
Wednesday, October 7, 2009
it's alright, i'm ok....i think satan can explain
buong araw lang ako nakikinig ng mga kanta sa pc. nag-dodrawing kasi ako. babalik lang ako pag may gagawin lang ako. nakapag-upload pa ako sa flickr ng mga kalokohan. tapos ito, nag-reresearch ng stained glass at paano gawin ito. pamilyar sa akin yung produkto pero di ko gaano alam gawin. buti may google at naiintindihan ko naman. tapos ito, gumagawa ako nito at nakikinig ng kaede ng spitz. medyo masakit ang ulo at parang kakapusin ng hininga. 7am pa naman yung meeting at parang makakatulog ako ng 2am. haha.
narinig ko sa PBB ngayon yung " i think god can explain". ayun, at pinatugtog ko na naman. wala lang.. at dahil medyo may samplayata ako kay taning....siya na lang magpapaliwanag. hehe
Tuesday, October 6, 2009
tinabla ako ng air supply.
ayun, kaya medyo naaning ako pag parang pakiramdam ko pag tinatabla na ako ng tao. gusto kong magsalita kung anong nasa laman ng utak kong nabubulok na. gusto kong malaman kung bakit ganun. ano ba ginawa ko upang tablahin ng ganun. lugi kasi eh, wala akong kalaban laban. masaya na eh, kaso biglang isang araw nawala at tuluyan ng itinakwil ng panahon. sa ngayon, para akong tangang nag-iisip kung ano ba talaga. siyempre may mga dahilan tayo, pero sana ipahiwatig mo naman. nababaliw na ako dito eh. alam kong may mga kamalian at mga kasablayan ako, pero sana pag nakita mo, sabihin mo agad sa akin ang di na mauulit pa. ang pangit kasi sa akin, di ako palatanong sa mga ganyan. may sakit kasi akong maasar bigla, kaya kelangang maging cool. naging masayahin akong tao dahil ayokong maging palagalit sa mundo. ngayo'y pakiramadam kong napag-iwanan na, marami na akong naiisip na ibang gawin na limutin ka. ang kaso, sa lahat ng gusto ko na ring limutin, ikaw ang pinakamahirap. ayaw din kita kalimutan, at ayokong mawala ka. siguro masasanay na wala ka, pero parang ang sakit. masaya na eh, mawawala pa. ganito ba ang takbo ng malupit na buhay. kung ganito na lang palagi, siguro ngang kelangan kong magbakasyon at pumunta sa mga lugar na tahimik at walang inaalala.
pero ano pa magagawa ko, may sarili kang buhay. may kalayaan at may ibang interes. ako lang naman ang nagpupumilit pumasok sa napakaliit na butas tungo sa iyong puso. kung tutuusin, ako lang ang naging mapilit. just like the old times, annoying akong tao kung minsan. kaya walang tumagal, alien kasi ako.
on the lighter side, na-miss ko na rin itong may ginagawa habang umiinom. gumagawa kasi ako ng isang vecto-vetoran ng kotse, tapos ito umiinom pa ako ng mainit na red horse. dapat nga dalawa kaso kinapos ang budget at kelangang stealth mode para di iskandalo. pero ano pang silbi nun, alam naman nila....di naman nila nakikita.
yun, sensya na, naaning lang.
Sunday, October 4, 2009
nais ko ( tumimbwang ng tumimbwang )
mukhang magaganda ang mga bus sa ibang bansa. walang lang, naikwento sa akin ng ating correspondent sa singapore na may isang bus na byaheng sigapore to kuala lumpur na napakaganda. halos eroplano na ang loob at may mga cute na stewardess. at mukhang napaisip na naman ako, pag lagi kasi akong nakukwentuhan ng mga tungkol sa ibang bansa, parang gusto ko na rin umalis sa malungkot na pilipinas. kaso ang labo naman ng mapupuntahan ko at sa india yun. maganda naman ang india, andun ang taj mahal...anu pa, marami! basta marami..maraming pelikula at mga solid-gold dancers. madalas ko kasing naririnig ang mga negatibo sa mga nagpupunta dun kaso pinipilit naman ako pumunta. ako namang tatanga tangang thrill seeker, nag-ayos ng papeles, kaso di ko rin tinuloy...nagkalabuan sa sweldo. hindi naman ako naghahangad ng malaki malaki, kasi wala pa sa kakayahanan ko yun. ang kelangan ko lang tama lang, eh kaso mukhang mababa na...nadadaya pa. kaya ayun, medyo nagdadalawang isip ako. pampabango rin naman ng resume, kasi kung sakaling wala ka na dun tapos ito, nag-apply ka dito, at pa nakita kang nag-abroad, "wow pantastik" agad at tanggap ka na. ayun ang iniisip ko, kaso marami din pumipigil sa akin. pero kung ako tatanungin, gusto ko sa sweden at germany. gusto ko rin sa cuba, para makahithit ng genuine na havana cigars at sundan si che. gusto ko rin makanood ng football kasi wala dito sa pilipinas.
marami akong plano kaso ako lang tamad. pwede ba, paki batok ako? salamat!
Saturday, October 3, 2009
My Soulful Heart Beat Makes Me Sing My Soul Music
kelangan ko ng bumalik sa dati kong buhay na masipag, mabait, maginoo at optimistic daw. nawala kasi ako sa pokus dahil naaning ako nung september. kelangan maghanap na ng trabaho at kelangan ng maging kapakipakinabang. kelangan ko na ng camera at mga gundam. kelangan ko na rin bumili ng mga bagong damit at kelangan ko ng malupit na dyowa. yung artistic at kritiko. yung matino, mabango at magaling mag-ingles. yung kelangan pag may matinding aksyon, lumalaban at kayang magpatiklop ng kalaban. yung nakaraan kasi pa-tweetams, cute kasi eh, kaya ayun...nawasak ako. pero mabuti na rin...ngapala, matagal na akming wala...nung nakaraang century pa. nawasak lang ako sa kanya kagabi.
may natitipuan ako, kaso parang ngayon palang parang wala na rin. one-sided eh tapos parang may iba ng natitipaun o jowa na. ayun, parang malabo ang buhay. pero baket parang umaasa pa rin ako, kahit na medyo lumamig na at unti tuni ng nawawala, lalo akong naloloko sa kanya. parang nakita ko na sa kanya lahat ng gusto kong mangyari, kaso mukhang pahirapan na naman ito. ang galing talaga eh, kelangan talagang pinapahirapan ako ng pagkakataon. tapos yung pala, wala rin pala, at kelangang maging wasak ako para masaya ang detractors kong imaginary. ang magagawa ko lang, umasa at gumawa ng aksyon...gumagawa na nga ako ng strategy, kaso kung papasok ba ulet kaya? o sadyang wala na talaga. mahirap kasi kung di pasok ang mga damdamin sa isa't isa. pareho lang tayong mawawasak. pero talagang mahal kita at sana'y makita mo rin ito.
sugi-chan ang madalas kong pangalan kasi dahil sa long vacation. pinaka paborito kong japanese drama yun. ang galeng kasi ng storya at ang galing ni kosuke toyohara. ang pangalan niya dun ay Tetsuya Sugisaki. ito yung wiki niyan, tinatamad akong magkwento eh.
Minami and Sena meet when Sena's apartment-mate, Asakura, jilts Minami on their wedding day. Minami learns from Sena that Asakura has left, whereabouts unknown. Sena allows Minami to move into the apartment, since she is penniless, having given all her money to Asakura, and cannot pay the rent on her apartment.
This is the beginning of a romance between Sena and Minami, although they are far apart in age and interests. Minami and Sena confide in and console each other about their relationship problems and their lack of success in life .
Minami meets a professional photographer, Sugisaki, who proposes marriage. Finally Sena has a chance of winning a piano competition and going to Boston, joining the symphony orchestra.
The characters in the series have something in common--if not jobless, they can do no better than secure a temporary job. This is a portrayal of a time when Japan was plagued by deep recession, when its people suffered profound depression from constant failure to earn a stable income. The series portrays how relationships are made and broken, and explores how people come to depend on each other for solace.
ito naman ang role ni tetsuya sugisaki: A dashing professional photographer who later falls for Minami.tapos yun, di rin nakuha ni Mr. sugisaki si minami kasi mas type ni minami si senna. siempre, kaw ba naman ang magkasama sa apartment tapos ganun ganun, ayun. sablay si sugisaki. may anak si sugisaki at divorce sa kanyang asawa. masayahin si sugisaki, at nalaman niyang mas type ni minami si senna, ang ginawa ni sugi-chan eh, kinuhaan na lang ng litrato si minami, kasi sa mga ngiti ni minami, nahulig si sugi-chan. ayos! tapos wala na...may mga ibang show pa si kosuke toyohara na lagi siyang fail sa kalakaran ng pag-ibig. kaya siguro sa mga ganung role niya, nakuha ko ang ang kanyang simpatya, kasi ganun din ang buhay pag-ibeg ko. haha. kaya sugi-chan ang pangalan ko.
yosshh! kelangan ng tapusin ang mga naiwan kong trabaho at maging pera na ang mga ito!
Friday, October 2, 2009
tabinging buhay
at dahil medyo iba ang timpla ng katauhan ko ngayon, minbuti kong makinig muna kay sitti, kasi kung drastic noise ito, magiging drastic ang mga sasabihin ko dito, dahil sa mga nalaman ko ngayong araw na ito. sa totoo lang, kung ibang tao ito, baka kung ano ng gawing kababalaghan ito. medyo nagbago na rin ako, kasi dati...pag may nalaman ako ng talagang ikakasama o kung ano, nanunutok ako ng tao ng walang dahilan at maninipa ng mga hayop. napaka-butal na mga gawain. dahil medyo nahihimasmasan ako ni sitti, ayos na. tanggap ko na..patunay na may sa malas talaga akong tao. mabuhay ka kurai! you're such a loser!
nakakatuwa sa jeep at "is she thingking about me" pa ang LSS ko kanina.
take good care cause i don't
mukha kasing mawawalan ng ilaw mamaya kaya inupload ko na sa flickr yung mga pinaggagawa ko kagabi habang wala kaming internet. pero di pa rin mawala ang pag-aalala. hay naku, sa katayuan ko ngayon, ang magagawa ko lang ay ipagdasal kayo. aminado ako, di na ako nagdadasal, pero magagawa ko na ito, maging ok lang kayo dyan. ayun....sa susunod na lang, at kelangan ko ng magmadali, baka abutan pa kami ng erpats ko pauwi ni pepeng pasada.
Thursday, October 1, 2009
still in the same place
una namin pinuntahan ang poea, ayan...at di pwedeng umistambay sa loob kaya lumabas ako at mag-pose sa harap ng opisina. nag-text ako, ayun..habang naghihintay ng reply, napupukaw ang atensyon ko sa mga bus sa flyover at sa baba, sa mga tsiks at mga ordinaryong tao na dumadaan sa harap ko. makalipas ng ilang minuto, tumingin sa cellphone, ayos, walang reply. ok lang, naintindihan ko naman. ganun pa rin ang eksena hanggang sa lumabas na ang ate ko. hay. natapos ang episode ng walang nangyari.
sumunod sa manila science, ayun at naghintay na naman ako sa visitors area. napakatahimik ng lugar kasi walang pasok, ako lang mag-isa sa area na yun. nasa harap ko ang hallway, at nasaisip ko ang mga duguan estudyante na may hawak na mga palakol at baril. parang sa battle royale na blood and gore. ayun, ganun pa rin..hanggang sa tawagin ako ng ate ko upang i-reffer sa co-teacher niya. may inaalok sa aking trabaho, ngayon hinihintay ko ang tawag...siguro bukas na lang, gabi na eh. napunta sa kwentuhan blah blah blah. ayun, naghihintay pa rin ako ng reply.
tapos dumaan kami sa bahay ng tita ko upang dalawin ang lola ko. ayun, at medyo emotional ang pagtatagpo. di na ako naalala ng lola ko, malabo na ang mata eh. bed-ridden na sa edad na 93. nalulungkot na ako sa di pag-reply, pero gumaan lang pakiramdam ko pag natatawa na ang lola ko. matapos niya pumunta kami sa mall para bumili ng maleta..at wala pa ring reply.
nag-ikot kami sa mall at nakakita na ng maleta. at dahil may pupuntahan pa ate ko hinintay ko na lang siya sa terminal ng fx. sa terminal, kinantsyawan ako ni manong na mag-aabroad na daw ako. at dahil dun, bumalik ulet sa isipan ko sa pag-alis sa "malungkot na pilipinas" at sa mga oras na ito, mukhang ihahanda ko na ulet ang mga papeles kong nilimot ng panahon. habang ako'y nasa isang bench, nakikinig sa mp3..tinignan ko ang cellphone, ayos...wala na talagang reply. dahil dun, nasayang lang ang paghihintay. ewan ko ba, di naman ako ganito dati, at mukhang nasanay na akong andyan ka sa paligid. pero ngayon, wala na. ito na ba ang pagtatapos? kung ito na, siguro ito na ang pinaka-failure na nangyari sa akin sa buwan ng september 2009. kada september ng bawat taon, di nawawala ang mga ganitong eksena. kaya inaayawan ko ang buwan na ito. di lahat nangyayari ang mga kamalasan at mga kasablayan sa buhay ko. kaya isinusumpa ko itong buwan na ito. salamat na ngang tapos na, pero yung nawala, maiibabalik pa ba? o ako lang nag-iisip ng wala na. parang ewan kasi ako at ito ang mga side-effect ng isang one-sided love affair. haha. yung tipong iniisip mong wala na pero sa huli mong malalaman na meron pala. nangyari na sa akin ito noon, at mukhang naulit ulet. kaya ayos, nais kong uminom ng alak at mangmanyak sa waitress sa dati naming iniinuman, kagaya ng mga matatandang kasama namin. pero ewan, basta kung meron, meron talaga...kung wala, wag ng pilitin. nakakabaliw lang.
putek, alam mong bang mahal kita! at mula yun sa kaibuturan ng akin heart and soul. di ka magiging part-time lover at ikaw na ang superstar. putrages, epekto na ito ng sobra kong pakikinig ng mga tagalogat kung ano ano pang musak. pero kanina, sa footbridge, kinakanta ng bulag...." labanan, natin ang tukso...na sumisira sa ating pag-ibig.."...ala at naging kaklase ko sa filipino yung kumanta niya. hahaha...ayun, pero ewan ko ba...malabo na talaga ako, kaya walang naliliwanagan sa akin. lumipas na kasi ang taong talagang nakaintindi sa akin....masaya na siya. at masaya na rin ako. pero, mahal talaga kita. pramis!
mukhang masarap ulet gawin yung mag-inuman, picnic style, sa luneta.
