Saturday, October 3, 2009

My Soulful Heart Beat Makes Me Sing My Soul Music

sa wakas, malapit ng humupa ang aking mga kawasakan kagabi. medyo napagaan ng loob ko ng moody sky ni sachiko kanenobu, days gone by ng penpals, number girl, orge you asshole, cowpers, bloodthirtsy butchers ( nagiging favorite ko na yung lucky man), luminous orange, zazen boys, happy end at mga kanta ng the pillows na " All The Way To The Edge Of This World", " last dinosaur" at "please mr. lostman". pag mga eksenang wasakan talaga, katuwang ko lang ang mga japanese music. kahit na di ko maintindihan minsan, naging source ko ito na tumayo at manutok ulet ng tao. di talaga ako nakinig ng mga tagalog at mga cheesy music kasi talagang mawawasak na ako. pero pinakinggan ko ang "diary", buwiset, kaya ang lakas ko magmura kahapon, tapos pinabura pa sa akin ng kaibigan ko ang mga pictures nila ng ex niya. ang galing ako pa ang inutusan, pero tinanggap ko pa rin, makabawi man lang dun sa gago. habang binubura ko yung mga pictures nila, mura ako ng mura..tawa pa ako ng tawa at pakiramadam ko, nakabawi na ako sa kanya. dahil sa kanya kasi nasira ang mga plano ko. pero may kasalanan siyang ginawa sa kaibigan ko kaya nakahanda na ang aking "valuable hunting knife" para matapos na ang lahat. di ko naman siya papatayin o kung ano, panakot lang..edi kung madala ng emosyon, patay. edi pugante na ako at lalo mo na akong tatablahin, your honor. kahit papaano, nakagaan ito kagbi, buti andyan at kaibigan natin sa singapore...naintindihan niya ako, at gusto ko ng umalis sa malungkot na pilipinas. mabuhay ang sweden, mabuhay ang cuba, mabuhay ang u.k. at mabuhay ang japan!
kelangan ko ng bumalik sa dati kong buhay na masipag, mabait, maginoo at optimistic daw. nawala kasi ako sa pokus dahil naaning ako nung september. kelangan maghanap na ng trabaho at kelangan ng maging kapakipakinabang. kelangan ko na ng camera at mga gundam. kelangan ko na rin bumili ng mga bagong damit at kelangan ko ng malupit na dyowa. yung artistic at kritiko. yung matino, mabango at magaling mag-ingles. yung kelangan pag may matinding aksyon, lumalaban at kayang magpatiklop ng kalaban. yung nakaraan kasi pa-tweetams, cute kasi eh, kaya ayun...nawasak ako. pero mabuti na rin...ngapala, matagal na akming wala...nung nakaraang century pa. nawasak lang ako sa kanya kagabi.
may natitipuan ako, kaso parang ngayon palang parang wala na rin. one-sided eh tapos parang may iba ng natitipaun o jowa na. ayun, parang malabo ang buhay. pero baket parang umaasa pa rin ako, kahit na medyo lumamig na at unti tuni ng nawawala, lalo akong naloloko sa kanya. parang nakita ko na sa kanya lahat ng gusto kong mangyari, kaso mukhang pahirapan na naman ito. ang galing talaga eh, kelangan talagang pinapahirapan ako ng pagkakataon. tapos yung pala, wala rin pala, at kelangang maging wasak ako para masaya ang detractors kong imaginary. ang magagawa ko lang, umasa at gumawa ng aksyon...gumagawa na nga ako ng strategy, kaso kung papasok ba ulet kaya? o sadyang wala na talaga. mahirap kasi kung di pasok ang mga damdamin sa isa't isa. pareho lang tayong mawawasak. pero talagang mahal kita at sana'y makita mo rin ito.
sugi-chan ang madalas kong pangalan kasi dahil sa long vacation. pinaka paborito kong japanese drama yun. ang galeng kasi ng storya at ang galing ni kosuke toyohara. ang pangalan niya dun ay Tetsuya Sugisaki. ito yung wiki niyan, tinatamad akong magkwento eh.

Minami and Sena meet when Sena's apartment-mate, Asakura, jilts Minami on their wedding day. Minami learns from Sena that Asakura has left, whereabouts unknown. Sena allows Minami to move into the apartment, since she is penniless, having given all her money to Asakura, and cannot pay the rent on her apartment.

This is the beginning of a romance between Sena and Minami, although they are far apart in age and interests. Minami and Sena confide in and console each other about their relationship problems and their lack of success in life .

Minami meets a professional photographer, Sugisaki, who proposes marriage. Finally Sena has a chance of winning a piano competition and going to Boston, joining the symphony orchestra.

The characters in the series have something in common--if not jobless, they can do no better than secure a temporary job. This is a portrayal of a time when Japan was plagued by deep recession, when its people suffered profound depression from constant failure to earn a stable income. The series portrays how relationships are made and broken, and explores how people come to depend on each other for solace.

ito naman ang role ni tetsuya sugisaki: A dashing professional photographer who later falls for Minami.

tapos yun, di rin nakuha ni Mr. sugisaki si minami kasi mas type ni minami si senna. siempre, kaw ba naman ang magkasama sa apartment tapos ganun ganun, ayun. sablay si sugisaki. may anak si sugisaki at divorce sa kanyang asawa. masayahin si sugisaki, at nalaman niyang mas type ni minami si senna, ang ginawa ni sugi-chan eh, kinuhaan na lang ng litrato si minami, kasi sa mga ngiti ni minami, nahulig si sugi-chan. ayos! tapos wala na...may mga ibang show pa si kosuke toyohara na lagi siyang fail sa kalakaran ng pag-ibig. kaya siguro sa mga ganung role niya, nakuha ko ang ang kanyang simpatya, kasi ganun din ang buhay pag-ibeg ko. haha. kaya sugi-chan ang pangalan ko.

yosshh! kelangan ng tapusin ang mga naiwan kong trabaho at maging pera na ang mga ito!

No comments: