alas-tres na ako nakatulog kagabi kakalaro ng red alert. naadik na naman kasi bigla ako dun kaya ito haggang madaling araw na naman at bigla pa akong naka-idlip. kaya di ko nareplyan si anamay kagabi. sensya na talaga. ayun, tapos bigla akong nagising ng alas-syete kaso di ako bumangon. ugali ko kasing orasan ang aking paggising. example, nagising ako ng 7.15 am, babangon ako ng 7.30 am. may kinse minutos pa ako para ibawi ang tulog. ang kaso, sa kasarapan, di nasusunod ang oras. katulad kanina, 7.30 am nga ako babangon, pero dahil dyan sa kalokohan ko, 8.30 am na ako bumangon. naabutan ko pang tulog ang pamangkin kaya kumain na rin ako nang may biglang tumawag sa akin. yun pala yung sa pinag-aaplayan ko. tinanong niya ako kung kelan ako pwedeng magsimula, eh sa sobrang excited ko ng magkatrabaho ulet, sinagot ko, bukas na ako magsisimula. ok naman daw, "much better". kaya ayun, may trabaho na. ang problema ko lang, yung naka-kompromiso sa aking pa-design ng mga lampara. hanggang ngayon kasi di ko pa napapasa, eh sa 15 na kelangan yun, at mukhang may set-up pa sa 14. kaya parang problema. di ko rin naisip yun kanina, noong kausap ko yung magiging bagong employer ko, kaya ayun..bahala na mode na naman ako. pero parang di rin ako nag-aalala, di pa kasi nabayaran yung mga designs ko, kaya parang dilly-dolly ang paggawa ko. mas nauna pa ang mga kalokohan. pero sa totoo lang, tapos na yung mga dapat dun. kulang ko lang, yung expansion pa ng design para makumpleto ang 12 designs per collection. ayun. kaya todo text na naman ako nito bukas, at humingi ng dispensa. hay naku...kurai talaga, loser!
8am - 5pm ang magiging pasok ko dun. mas napaaga kesa sa dati ko na 10am - 7pm. pero ok lang, parang nag-aaral ulet ako. ganun kasi oras ng pasok ko. at masaya palagi ang byahe ko dahil sa mga nakakasabay kong mga kolehiyala mula sa mga paboborito kong eskwelahan. hehe. kaya ayun, mukhang kelangang maging pogi ulet! haha. pero balik sa trabaho, excited na rin ako. kelangan ko alamin ang mga pasikot-sikot sa stained glass making. matagal ko na kasing nakikita yan, kaso di ko alam ang paggawa. kaya talagang mag-eenjoy ako dito. ang nakakagulat, malakihan ang gawa at halos pang-simbahan. eh nagsisimula na ako maging atheist kaya mukhang pag andun ako, mapapalapit na naman ako kay papa jesas. nakakatuwa naman, kahit papaano, di pa niya ako pinapabayaan, ni wala pa siyang balak na kunin ako. eh ako yung nagpupumilit na kunin na niya ako kasi nga dito mga problema sa buhay at kung ano-ano, pero mabuti na rin. mukhang nabiyayaan na rin. kaya salamat din sa iyo. hayaan mo, pagbubutihan ko maiigi ng maging kapakipakinabang na pilipino! haha. nung nakalipas kasi ng 3-buwan, wala akong kwenta! hahaha
at dahil dun, kelangan ko na laging maaga matulog, isakripisyo ang flickr, facebook at torrent, at kelangang uminom ulet ng sterilized milk. sana maging ok na ang lahat pati ang buhay ko! haha
Monday, October 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment