sa mga oras na ito, di ko na lang kung anong gagawin ko. meron akong pupuntahan tapos ito, mukhang tumitindi na ang parang namumuong sakit sa katawan ko. noong mga nakalipas na araw kasi, para na akong kinakapos ng hininga. pwera biro, talagang may nararamdaman na akong kakaiba. di ko naman masabi kasi ayoko na silang mag-alala. haha. ang labo ng gusto kong mangyari. sa ngayon, hirap na naman akong huminga at parang ang bigat na ng baga ko. di naman ako gaanong nagyoyosi pero marami akong natatanggap ng second-hand smoke kahit saan. gabi-gabi akong nagpupuyat at inom pa ako ng inom. ayos ang pag-aabuso ng katawan. parang lahat na ng bisyo gusto kong gawin kasi baka magunaw ang mundo. haha. may control naman...pa-minsan minsan lang.
buong araw lang ako nakikinig ng mga kanta sa pc. nag-dodrawing kasi ako. babalik lang ako pag may gagawin lang ako. nakapag-upload pa ako sa flickr ng mga kalokohan. tapos ito, nag-reresearch ng stained glass at paano gawin ito. pamilyar sa akin yung produkto pero di ko gaano alam gawin. buti may google at naiintindihan ko naman. tapos ito, gumagawa ako nito at nakikinig ng kaede ng spitz. medyo masakit ang ulo at parang kakapusin ng hininga. 7am pa naman yung meeting at parang makakatulog ako ng 2am. haha.
narinig ko sa PBB ngayon yung " i think god can explain". ayun, at pinatugtog ko na naman. wala lang.. at dahil medyo may samplayata ako kay taning....siya na lang magpapaliwanag. hehe
Wednesday, October 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment