umalis ako kanina upang samahan ko ang ate ko sa mga kelangan niyang asikasuhin para sa pagbalik niya sa indonesia sa biyernes. ayos, at ngayon lang ulet ako nakalabas ng bahay. as usual, mausok ang paligid, malamig ang aircon ng jayross, at maraming tao sa paligid.
una namin pinuntahan ang poea, ayan...at di pwedeng umistambay sa loob kaya lumabas ako at mag-pose sa harap ng opisina. nag-text ako, ayun..habang naghihintay ng reply, napupukaw ang atensyon ko sa mga bus sa flyover at sa baba, sa mga tsiks at mga ordinaryong tao na dumadaan sa harap ko. makalipas ng ilang minuto, tumingin sa cellphone, ayos, walang reply. ok lang, naintindihan ko naman. ganun pa rin ang eksena hanggang sa lumabas na ang ate ko. hay. natapos ang episode ng walang nangyari.
sumunod sa manila science, ayun at naghintay na naman ako sa visitors area. napakatahimik ng lugar kasi walang pasok, ako lang mag-isa sa area na yun. nasa harap ko ang hallway, at nasaisip ko ang mga duguan estudyante na may hawak na mga palakol at baril. parang sa battle royale na blood and gore. ayun, ganun pa rin..hanggang sa tawagin ako ng ate ko upang i-reffer sa co-teacher niya. may inaalok sa aking trabaho, ngayon hinihintay ko ang tawag...siguro bukas na lang, gabi na eh. napunta sa kwentuhan blah blah blah. ayun, naghihintay pa rin ako ng reply.
tapos dumaan kami sa bahay ng tita ko upang dalawin ang lola ko. ayun, at medyo emotional ang pagtatagpo. di na ako naalala ng lola ko, malabo na ang mata eh. bed-ridden na sa edad na 93. nalulungkot na ako sa di pag-reply, pero gumaan lang pakiramdam ko pag natatawa na ang lola ko. matapos niya pumunta kami sa mall para bumili ng maleta..at wala pa ring reply.
nag-ikot kami sa mall at nakakita na ng maleta. at dahil may pupuntahan pa ate ko hinintay ko na lang siya sa terminal ng fx. sa terminal, kinantsyawan ako ni manong na mag-aabroad na daw ako. at dahil dun, bumalik ulet sa isipan ko sa pag-alis sa "malungkot na pilipinas" at sa mga oras na ito, mukhang ihahanda ko na ulet ang mga papeles kong nilimot ng panahon. habang ako'y nasa isang bench, nakikinig sa mp3..tinignan ko ang cellphone, ayos...wala na talagang reply. dahil dun, nasayang lang ang paghihintay. ewan ko ba, di naman ako ganito dati, at mukhang nasanay na akong andyan ka sa paligid. pero ngayon, wala na. ito na ba ang pagtatapos? kung ito na, siguro ito na ang pinaka-failure na nangyari sa akin sa buwan ng september 2009. kada september ng bawat taon, di nawawala ang mga ganitong eksena. kaya inaayawan ko ang buwan na ito. di lahat nangyayari ang mga kamalasan at mga kasablayan sa buhay ko. kaya isinusumpa ko itong buwan na ito. salamat na ngang tapos na, pero yung nawala, maiibabalik pa ba? o ako lang nag-iisip ng wala na. parang ewan kasi ako at ito ang mga side-effect ng isang one-sided love affair. haha. yung tipong iniisip mong wala na pero sa huli mong malalaman na meron pala. nangyari na sa akin ito noon, at mukhang naulit ulet. kaya ayos, nais kong uminom ng alak at mangmanyak sa waitress sa dati naming iniinuman, kagaya ng mga matatandang kasama namin. pero ewan, basta kung meron, meron talaga...kung wala, wag ng pilitin. nakakabaliw lang.
putek, alam mong bang mahal kita! at mula yun sa kaibuturan ng akin heart and soul. di ka magiging part-time lover at ikaw na ang superstar. putrages, epekto na ito ng sobra kong pakikinig ng mga tagalogat kung ano ano pang musak. pero kanina, sa footbridge, kinakanta ng bulag...." labanan, natin ang tukso...na sumisira sa ating pag-ibig.."...ala at naging kaklase ko sa filipino yung kumanta niya. hahaha...ayun, pero ewan ko ba...malabo na talaga ako, kaya walang naliliwanagan sa akin. lumipas na kasi ang taong talagang nakaintindi sa akin....masaya na siya. at masaya na rin ako. pero, mahal talaga kita. pramis!
mukhang masarap ulet gawin yung mag-inuman, picnic style, sa luneta.
Thursday, October 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment