Sunday, October 4, 2009

nais ko ( tumimbwang ng tumimbwang )

habang wala pa rin akong trabaho, ang ginagawa ko lang sa pc ay mga internet lang. paminsan minsan lang ako nagbubukas ng photoshop, minsan na rin ako gumawa ng bus sa corel at nababaliw na ako. kelangan ko na ulet mag-aral ng autocad. medyo limot ko na kasi ito, kaya kelangan ulet ng refresher course para makakuha ng trabahong matino. di ko na rin makita yung mga plates ko sa autocad dati, buti na lang may na-iskor na libro ang nanay ko tungkol dun. pag-aaralin na nga ako ng ate ko sa microcadd kaso marami pang kelangang asikasuhin kaya napurnada. di ko rin naman mainstall yun kasi kulang na sa space ang hard-drive. kelangan na namin ng 1 terrabite na hard-drive para mapunan ang kakulangan ko. nasa 6k yun at kaya naman ng ate ko, haha..kaya naghahanap rin ako ng sideline para may pang-ipon, at least may naitulong ako dun. tsaka para sa akin din naman yun, kung gusto kong maging kapakipakinabang na tao.
mukhang magaganda ang mga bus sa ibang bansa. walang lang, naikwento sa akin ng ating correspondent sa singapore na may isang bus na byaheng sigapore to kuala lumpur na napakaganda. halos eroplano na ang loob at may mga cute na stewardess. at mukhang napaisip na naman ako, pag lagi kasi akong nakukwentuhan ng mga tungkol sa ibang bansa, parang gusto ko na rin umalis sa malungkot na pilipinas. kaso ang labo naman ng mapupuntahan ko at sa india yun. maganda naman ang india, andun ang taj mahal...anu pa, marami! basta marami..maraming pelikula at mga solid-gold dancers. madalas ko kasing naririnig ang mga negatibo sa mga nagpupunta dun kaso pinipilit naman ako pumunta. ako namang tatanga tangang thrill seeker, nag-ayos ng papeles, kaso di ko rin tinuloy...nagkalabuan sa sweldo. hindi naman ako naghahangad ng malaki malaki, kasi wala pa sa kakayahanan ko yun. ang kelangan ko lang tama lang, eh kaso mukhang mababa na...nadadaya pa. kaya ayun, medyo nagdadalawang isip ako. pampabango rin naman ng resume, kasi kung sakaling wala ka na dun tapos ito, nag-apply ka dito, at pa nakita kang nag-abroad, "wow pantastik" agad at tanggap ka na. ayun ang iniisip ko, kaso marami din pumipigil sa akin. pero kung ako tatanungin, gusto ko sa sweden at germany. gusto ko rin sa cuba, para makahithit ng genuine na havana cigars at sundan si che. gusto ko rin makanood ng football kasi wala dito sa pilipinas.
marami akong plano kaso ako lang tamad. pwede ba, paki batok ako? salamat!

No comments: