Tuesday, October 13, 2009

i walk alone

nagising ako ng 4 am kaso bumangon na ako ng 4.45 am. ayun, kaya todo kayod sa pagmamadali ng di ma-late sa first day. mahirap na kasi lalo na't ginagawa ang skyway extension. palagi kasing epic traffic sa lugar na yan kaya ayun, madaling madali na ako..buti na lang, mabilis ang byahe at may nakatabi pa akong magandang tsik! ayos! eh kasi wala siyang katabi...eh naghahanap ako ng upuan, kaya ayun..eh ito naman nasa kabila, tingin ng tingin. engots siya...kung may intensyon pala siya edi sana tinabihan na lang niya. nakuha na kasi yung pwesto ko sa pinakadulo ng bus kaya napunta ako dun. anyway, maganda ang byahe, nakakaidlip pa ako, at ang baba ng upuan.

nakapunta ako ng matiwasay sa bago kong trabaho. gumawa ang ng napakalaking divider na gawa sa stained glass. kaso drawing pa lang at wala pa yung picture puzzle. sa susunod pa lang daw. ok naman ang mga tao, masayahin at malalakas uminom! ayan, gusto ko yan...at napapasubok na naman ako sa gin. eh gin pa naman ang pinaka-mahina ko. naalala ko sa bora, wasak na wasak ako sa gin. hanggang kinabukasan wasak pa rin. nawala lang ang sumpa pagkalipas ng 3 days...na may gin ulet! hehe. naging ok naman ang lahat...at mukhang 6-months ito! haha

pagka-uwian lumabas na naman ang pagiging adventurous ko. ayun, at binalikan ko ulet yung mga dati kong nilalakaran pag pauwi sa dati kong trabaho. may mga nagbago.. may mga building na bago, eh huling daan ko dun, sinisimula pa lang at wala na ang makro, hypermarket na. ang maganda dun, ang layo ng nilakad ko! hahaha

bukas, ganun na naman ulet, hanggang sa magsawa ulet ako sa mga ginagawa kong lakbay-diwa araw-araw. pero pramis, dun sa bago kong pinapasukan, yung daan..puro tsik! haha

No comments: