Tuesday, October 6, 2009

tinabla ako ng air supply.

haha, history repeats itself! ngayon lang ulet ako tinabla ng tao. parang noong araw, ganyan din ang nangyari sa akin. ikukuwento ko sa iyo habang umiinom ng mainit na in-can na red horse na binili ko pa kaninang hapon. ganito, may natipuan akong babae, or should i say nagmahal ako ng babae. ayun, ok naman ang simula, masaya at pantasya. madalas pa akong dumalaw sa eskwelahan niya para lang makita lang siya, at gumagawa ako ng dahilan sa mga gawain ko sa school, makita lang yun. naalala ko pang binigyan niya pa ako ng milkee pulburon at pinakilala sa kanyang bestfriend. ayos, ilang linggong nakalipas at biglang nagbago ang ihip ng hangin. biglang umiiwas at sa tuwing dadalaw ako, bigla siyang nawawala. di ako tanga para maniwala sa mga palusot nila, alam kong may- nagti-tip. kupal yun, muntik ko ng pambuhin yun, kaso mabait akong tao noong araw. ayun at ang malupit na isang araw ang dumating..nasa labas ako ng eskwelahan nila, eh, parang mababa lang ang bakod at maririnig mo mula sa labas ang mga usapan sa loob. tiyempong nakatapat ako sa kanila, at narinig ko ang mga matatamis na salitang nakakapagpapagiliw sa iyo. " andito na siya, anong gagawin...uy, magpanggap ng bf ko..hahahaha". ayun, ang saya, ang sarap mamato. kaso nga sobrang bait ko, pinigilan na lang ko na lang. ang dating matamis na pagsabay sa paglalakad dati, ngayo'y naging milya na ang distansya. at simula noon, di na ako dumaan sa kanila pa. ay mali, dumaan pa pala ako, bago mag-graduation sa eskwelahan namin. di ko makakalimutan yun. bumulaga ako sa eskwelahan nila, at siya nagulat din. emcee pa naman siya...at nakatingin sa akin, habang nakatitig ako sa kanya. tapos nun, may intermission number...lalapit na siya, ayun, bigla akong lumabas ng eskwelahan at di na tumingin patalikod pa. buti malapit dun ang bahay ng kaklase ko, ayun..uminom at nagyosi...at nag-rock and roll. simula nun, di na kami nagkita pa, pero naging ka-friendster ko pa siya..at nawal na parang bula. share ko lang ang isang nakakapagdamdaming kwento.

ayun, kaya medyo naaning ako pag parang pakiramdam ko pag tinatabla na ako ng tao. gusto kong magsalita kung anong nasa laman ng utak kong nabubulok na. gusto kong malaman kung bakit ganun. ano ba ginawa ko upang tablahin ng ganun. lugi kasi eh, wala akong kalaban laban. masaya na eh, kaso biglang isang araw nawala at tuluyan ng itinakwil ng panahon. sa ngayon, para akong tangang nag-iisip kung ano ba talaga. siyempre may mga dahilan tayo, pero sana ipahiwatig mo naman. nababaliw na ako dito eh. alam kong may mga kamalian at mga kasablayan ako, pero sana pag nakita mo, sabihin mo agad sa akin ang di na mauulit pa. ang pangit kasi sa akin, di ako palatanong sa mga ganyan. may sakit kasi akong maasar bigla, kaya kelangang maging cool. naging masayahin akong tao dahil ayokong maging palagalit sa mundo. ngayo'y pakiramadam kong napag-iwanan na, marami na akong naiisip na ibang gawin na limutin ka. ang kaso, sa lahat ng gusto ko na ring limutin, ikaw ang pinakamahirap. ayaw din kita kalimutan, at ayokong mawala ka. siguro masasanay na wala ka, pero parang ang sakit. masaya na eh, mawawala pa. ganito ba ang takbo ng malupit na buhay. kung ganito na lang palagi, siguro ngang kelangan kong magbakasyon at pumunta sa mga lugar na tahimik at walang inaalala.

pero ano pa magagawa ko, may sarili kang buhay. may kalayaan at may ibang interes. ako lang naman ang nagpupumilit pumasok sa napakaliit na butas tungo sa iyong puso. kung tutuusin, ako lang ang naging mapilit. just like the old times, annoying akong tao kung minsan. kaya walang tumagal, alien kasi ako.

on the lighter side, na-miss ko na rin itong may ginagawa habang umiinom. gumagawa kasi ako ng isang vecto-vetoran ng kotse, tapos ito umiinom pa ako ng mainit na red horse. dapat nga dalawa kaso kinapos ang budget at kelangang stealth mode para di iskandalo. pero ano pang silbi nun, alam naman nila....di naman nila nakikita.

yun, sensya na, naaning lang.

No comments: