sure ball ang pag-ibig ko sa iyo kasi ikaw ang idol ko. eh kaso mukhang may natitipuhan namang iba at tsaka maraming manliligaw. ako namang si gago ay di na aasa pa sa mga pag-ibig epek. ang labo ng buhay, sana makapiling kita at makaulayaw.
matagal na rin itong nararamdaman kong ito. nakakatuwa at ikaw pa. pag tumatagal lalong tumitibay ang pagtangis ko sa iyo. madalas akong napupuyat sa text at chat naten. pero ayos lang, ikaw naman ang andyan. masya ka, masaya na rin ako.ang tanong, kung pareho tayo ng nararamdaman. so many questions sa aking isipan at walang matinong solusyon sa mga ito. ang alam ko lang, mahal kita, ngunit may napupusuan ka ng iba. ang hiling ko lamang, nandito ako maghihintay sa iyo, magpakailanman! minsan lang kitang ibigin kaya todo na ito. isang daang pursyento. walang paltos, walang kaba. kaya kung tayo'y nagkakalayo, ang longkot. tag-araw, tag-ulan man, ikaw lang. prames.
kung sa kanya ka masaya, edi dyan ka na. ganun naman eh. ang pag-ibig ay isang sugal at one-time bigtime. pag natumbok ang jackpot, ayos. pag hindi, sorry na lang. better luck next life. this will be our parting time for us and i can move on if the feeling is gone.
---ayan ang mga titles ng mga kanta na pinapakinggan ko ngayon. sana masaya ang biernes at mga susunod na araw di tulad ngayon.