buong araw na akong nakikinig sa led zep. sa opisina, habang nagdodrawing ako, si manong ronnie ay ganadong magtrabaho. kumakanta kanta pa ng stairway to heaven habang sinasabayan niya yung nasa telepono ko. tapos biglang nagkwento. nakakatuwa, naabutan niya kasi yung banda na yun. naabutan niya ang mga magagandang kanta at mga banda noon. habang nagkukwento siya, ako namang si boy sise na nagpapantasya na sana nabuhay na lang ako sa panahon na yun. pero ayaw ko sa pinas kasi martial law nun, at kung college student ako nung mga panahon na yun, isa na ako sa mga nawawala. ayun kwneto si ng kwento habang inaayos ang ilaw sa pwesto ko. biglang dumating ang boss kong may banda noong araw. narinig din niya yung sa telepono sabay sabi, " pag nakikinig ka sa led zep, dapat parang naka-droga ka". pabiro niyang sinabi yun, at ako naman si sang-ayon. nakita niya kasi led zep pinapakinggan ko sabay nagdo-drawing ako ng imahe ni papa jesas. nung isang araw, rolling stones naman. tapos kanina di niya narinig, black sabbath. wala lang. nakakarelax kasi lalo na kung mag-isa lang sa lugar at nakakaantok ang lugar. tumataba na nga ako kasi kain ako ng kain ng tsokolate habang nagdo-drawing. parang sa opisina yung 3 kong boss at ako nakikinig ng maiingay na tugtugan. yung iba, puro pop at mga latest. nakikinig din naman ako sa easy listening kaso minsan inaantok na ako dun. cheesy kasi minsan. kaya nakikinig ako sa maiingay para gising na gisin ako. tsaka ayun naman ang kinalakihan ko.
naalala ko, natatandaang miyembro ng led zep ni manang ronnie ay si john bonham. nakakatuwa
Thursday, August 18, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment