Hai, hai,
The clouds are black.
There's straw for the junkies,
And my housemates all sleep safely,
All sleep safely.
tulog na ang mga kasama ko sa bahay at ako na lang ang gising. tinapos ako ng aking 1-page 500+ term paper kuno sa aking world lit subject. nakakatawa pwede ko ito gawin kanina kaso maraming ginawa. ang ginawa ko kanina, mag-drawing ng planong paggawa ng stuff toy na "basura" na ginawa ko noon. sa ngayon, ewan ko kung saang basura na napunta yun. yung pinagbigyan ko nun, ayun nasa benilde pa ata at may syotang koryeno. ngayon, gagawa na naman ako para sa taong gusto ko talagang pagbigyan ng regalo noon pa. sensya na kung nagsinungaling ako sa text pero ang totoo para sa kanya yun. gusto ko surprise kasi may chance na di ko matapos. at least kahit di ko sinabi agad, walang sise. eh kaso sinabi ko na dito, at mababasa mo pa. oki lang, bahala na. mabuti ng alam mo. ganado na akong gawin yun.
ang tahimik ang araw ng linggo ko. wala akong ginawa kungdi nasa bahay lang para maglinis, mag-drawing at mangbwiset ng kasama sa bahay. wala ako sa mood maging masaya kanina kasi parang kulang ang araw eh. parang ang lungkot. ewan ko ba. baka sa mga nasabi ko noong nakaraang araw, o feelingero mode na naman ako at ako na ang pogi. shet. basta wala akong gana kanina. walang ganang mabuhay.
mabuti na lang may music para makapag-pakalma ng taong sabog na sa buhay.
Monday, August 15, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment