ngayon lang ulet ako nakapunta dito matapos ang mga ilang buwang di pag sipot dito. as usual, bumalik ulet kasi wala na akong magawa sa buhay ko. puro na lang ako trabaho at trabaho. sa ngayon, ilang buwan pa lang ako pero napapagod na ako. dahil ba ito ako'y unti-unti ng nawawalan ng gana sa pang-araw-araw na gawain. nagsasawa na rin ako sa mga lagi kong ginagawa at medyo nanglalamig ako sa mga pakikitungo sa mga tao.
lagi akong sablay, kagaya ngayon. sa dami kong sablayan eh maraming nawawala. epekto ito ng aking mga ginagawa. pinipilit ko lang maging masaya at kapakipakinabang, pero parang wala talaga. ang camera lang ang aking sandigan. buti na lang andyan na yun. sa bawat pagpindot ko sa shutter, ayos! haha..basta iba ito, mas masaya pa kesa sa pag porma sa iyo. kahit medyo hirap lang sa pagbili at pagpapadevelop ng film, bawi naman na kahit may mga panget at blanko, kasalanan ko na yun.
naging masaya ang mga ilang buwan, at ngayon...balik na ulet sa dating malamyang buhay. kelan ko kaya makakamit ang rurok ng tagumpay?
Friday, February 5, 2010
Wednesday, February 3, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)
