
ngayong septyembre at ako'y walang matinong pera. laging ubos dahil sa dami ng gastos na ginagawa ko sa buhay ko mula sa mga film, araw-araw na pagkain at baliktad ang pinost kong image ng sarili ko sa harap ng salamin. ang labo, di ko maayos at nabobobo na ako. madalas akong makinig ng cheesy music kasi di ako in-love. maraming tsiks sa daan pero mukha na daw akong 40 simula nung nagtagal na ako sa bago kong trabaho, sabi nila. madalas akong maglakad sa vito cruz at nag-aabang ng bus ng 30-40 mins. pero kahit ganun ang buhay, baliktad pa rin ako.parang wala sa katinuan at ayaw akong pagbiyan ng mga kinauukulan sa mga gusto ko sa buhay. parati akong minamalas at walang kasiguraduhan. minsan nagbiro ako ng mga patay-patay sa opisina, at ang reaksyon nila sa akin, gusto nila akong isalilalim sa pagsaksak sa utak ko ang mga mabubuting salita. hay naku, di ko tatanggapin yan, naniniwala ako sa konsepto ng diyos at nag-aral ako sa catholic school, pero di ako diehard sa mga ganyan. pero ang trabaho ko, puro religious. sakto naman dun kaso ayaw kong magpakabanal kung lahat ng ginagawa ko sa mundo at makasalanan sa mata niyo at niya. ang labo.
facebook lang ang aking sandigan sa gabi at aktibo lang ako dahil sa isang tao. siya lang kasi yung tamang kausap. kahit na minsan eh, ewan ko ba, bigla kong nahihiritan ng mga hirit na ginagamit ko sa pagporma sa mga tsiks, di siya nasablayan. ayun ang sabi niya. pero pag meron daw sa kanya humirit ng ganun, sablay daw..at ako pasok na pasok. waw walastik pantastik. pero ayaw niya akong makita. ayos. napakabuti. oki lang, naintindihan ko naman. mahirap pumorma sa estudyanteng talaga tutok sa mga pag-aaral. kung iba yan, go ng go. at ako naman sugod ng sugod. matagal ko na rin siya kilala...online. pero isa siya sa mga nakilala ko sa online na ayos. di tulad ng iba na simpleng away bata, superior na at ang lakas mangbanta...sablay naman. walang kasiyahan sa katawan at puro lang ampaw.
online ako palagi kasi inaabangan ko palagi si ate, makikibalita at mangungutang ng pera pandagdag sa pagbili ng isa pang kamera. rangefinder type naman para lagi kong madadala, kasi si spotmatic, ang laki...pansinin ng mga pipol. pero kahit meron na akong RF, dala ko pa rin si pareng pentax, iba siya eh..at kras ko yung nagbenta sa akin nun. haha
ngayon, naulan ng malakas at di gumagana ang auto-save ng blogger. sana masave. para mabasa mo ang mga kalokohan ko.