kung alam mo lang talaga kung gaano kita kamahal noon at hanggang ngayon. kaso parang di rin pumapasok sa iyo. kaya nagulat ako ng nagalit ka sa akin dahil bigla akong nagka-jowa. sa totoo lang, nagulat ako ng gaanong ang reaksyon mo. inaasahan ko lang kasi na ako lang ang nagmamahal sa iyo at kahit kelan di mo mapapansin o papansinin mo ito. nagpaparamdam ako sa iyo kaso mukhang kapos sa iyo. nagkajowa ka noon at halos mamatay ako sa inggit nun sa naging jowa mo. kasi siya nakuha ka niya, ako palaging asa.
aaminin ko sa iyo na sa text lang kami nagkakilala nun. ni hindi pa sigurado ang pagkikita, at di pa kami nagkikita.
sobra akong malulungkot pag nawala ka pa ulit. naging parte ka na ng sistema ko at walang bola yun. sa ngayon, na sana maging maayos ang lahat sa atin. handa akong tanggapin ang mga batikos ng iba, at tanggap ko na ang lahat ng nasa iyo. sana...sana..sana..

No comments:
Post a Comment