Friday, October 2, 2009

take good care cause i don't

mamaya dapat ito kaso kelangan ko ng gawin. may paparating na super bagyo at hahatid ko pa ang ate ko sa airport. pagdating ko, kelangang magbantay ng bahay kasi sa epekto ng bagyo, na kahit na malayo pa sa amin. sa mga oras na ito, mas inaalala pa kita. kaya ayun, nawiwindang na naman ako dito. sana maging ok lang kayo ng pamilya mo at ligtas sa lahat ng panganib na darating.
mukha kasing mawawalan ng ilaw mamaya kaya inupload ko na sa flickr yung mga pinaggagawa ko kagabi habang wala kaming internet. pero di pa rin mawala ang pag-aalala. hay naku, sa katayuan ko ngayon, ang magagawa ko lang ay ipagdasal kayo. aminado ako, di na ako nagdadasal, pero magagawa ko na ito, maging ok lang kayo dyan. ayun....sa susunod na lang, at kelangan ko ng magmadali, baka abutan pa kami ng erpats ko pauwi ni pepeng pasada.

No comments: