Saturday, October 10, 2009

kumikitang kabuhayan

ngayon ko lang napansin na weekend na pala. ngayong nasa bahay pa rin, at kumain, matulog, mag-pc at lokohin ang sarili na mag-dodrawing, di ko na napapansin ang araw na lumilipas. andito pa rin ako sa aking lungga kung saan medyo tahimik at payak. bumalik din ako sa paglalaro ng mga emu, at dun na naman nauubos ang gabi ko. wala lang. pag sobrang wala na talaga ako magawa, naglalaro na lang ako. andun pa rin at naka-display pa rin sa sahig yung full size na floor lamp na ginagawa ko, tinutulugan pa ng pusa namin, at kung minsan pinag-titripan niya ang mga gamit ko.
bukas, ganito na naman ang eksena hanggang sa magsawa ako dito sa bahay.

No comments: