Thursday, October 22, 2009

ginawa ko ito habang umaawit si basil valdez.

dito nakabalik ulit dito makalipas ng mga ilang araw na pagmumuni-muni at pakikibaka sa araw-araw na trabaho. marami na akong ginagawa at halos nakakalimutan ko naman ang mga tao. masyado akong tutok sa trabaho lalo na't ilang buwan din nabakante. ilang beses akong lagi tinatanong ng kapatid ng may-ari na kaya ko pa. sinasagot ko pa naman na kaya ko pa. ang totoo niyan, naghahanap pa ako ng sideline. mukhang marami akong pinaplano bago matapos ang 2009. ang gameplan, makabili ng camera, 1 terrabite na hard-drive at isa pang cellphone. yung mga damit, pag may tira pa. ayun pa...pantalon, kinukulang na rin kasi ako, pati yung mga pang-alis na short. ang dami kong gustong bilhin kaya kumakayod ng matindi. matagal tagal na rin kasi akong di nakakabili ng pansarili ko. ang pera ko kasi napupunta minsan sa bahay o sa mga inuman at kung ano ano pang extra curricular activites. basta ang plano yun na, kelangan mabili ko lahat yun, nang maging makulay naman ang buhay ko.

araw-araw, sa jac liner na ako sumasakay. parang dati, pinapangarap ko silang sakyan kaso byaheng lucena sila. eh biglang nagkaroon sila ng byaheng biñan kaya ayun, lagi na akong sa kanila. nakilala ko pa yung inspektor nila. di ko natanong yung pangalan pero lagi kong tawag sa kanya manong lang. masayahin si manong at lagi niya akong binabati sa umaga. pag wala pang bus, nagkukwentuhan kami tungkol sa mga bus at buhay-buhay. nakakatuwa si manong. tiga-antipolo siya at madaling araw siyang umaalis ng bahay nila kasi sa biñan siya naka-destino. madalas ko siyang nakikita sa umaga. dinaig pa ako ni manong sa layo ng trabaho. sa totoo lang, ngayon lang ulet ako naging malapit sa tao. parang dati di ako ganyan. pero dahil sa ngalan ng aking obsesyon, at yun ay mga bus, nakilala ko si manong. kinukulit nga ako ng kuya ko na humngi ako ng passes sa bus. ayaw ko, nakakahiya tsaka may pambayad pa naman ako. haha

gabi-gabi na naman ako naglalaro ng red-alert pagkatapos mag-check ng mail, facebook at flickr. sa facebook na mgayon medyo aktibo. andun lahat yung mga old friends eh. ngayon ko lang sila nakakausap ulet kaya ayun. di naman ako gaanong aktibo sa flickr, kasi tinatamad na akong gumawa ng bus, tapos parang ayaw ko ng mag-upload sa main account ko. ayaw ko ng mawala ang mga ilang uploads na nagsilbing kanlungan sa akin. boring kasi noon, eh may nakilala, tapos ayun, sumaya. eh ngayong, parang wala na...kaya balik ulet sa dati. siguro mag-uupload na lang ulet ako dun pag may camera na ako. kaya ayun, kelangan ko na rin magkaroon ng camera.

mukha ba akong satanista o isang atheist?
kasi sa tuwing nakakakilala ako ng mga relihiyosong mga tao, lagi nila akong sinasama sa mga religious activites para medyo magbagong buhay na daw ako. pero di ko sila sinusunod, ayaw ko kasi eh. oki na sa akin ang ganito. tahimik at walang inaalala. naiintindihan naman siguro ni papa jesas kung ano gusto kong mangyari. sa totoo lang, sa ngayon..nabubuhay akong walang diyos. parang ganun. pero yung pinapasukan ko, puro religious item ang ginagawa. kaya nagugulat ang mga kakilala ko kung bakit di daw ako nalulusaw. haha. hinahayaan ko lang sila, trabaho yun eh. pero pinagpapaguran ko yung mga yun, kaya kahit papaano, nasisiyahan ang papa jesas niyo sa akin. naniniwala kasi akong religion fuels war. kaya ayun, napakasama ko na talagang tao.

kaya ayun, kelangan ko ng maglaba para may masuot sa susunod na araw. ngapala, lunes haggang sabado ang pasok ko. 8am - 5pm. pag sabado, hanggang 12 lang. kaya ang saya-saya.

No comments: