napakagandang araw naman at ang aga kong gumising. kelangan ko kasing ilabas ang mga gamit para sa pagpapalit ng mga lumang bubong sa bahay na tinutuluyan ko. sa katunayan, bahay ng lola ako tumitira. nakatira talaga ako sa kabilang bahay, nakibahay lang ako dito kasi wala ng magbabantay. noong kami na ang nangalaga ng bahay, naging ewan na ito. binubukbok at inaanay na pader, basang kisame, butas na bubong at napakaruming lugar. salamat sa aking katamaran, umabot sa ganito ito. kung andito pa ang lola ko, mukhang papambuhin ako nun at di na ako ang magiging paboritong apo. pero naawa na ako sa lola ko, 90+ na siya at di ko na nadadalaw. di na nga ako nakikilala eh, pero siya nag-alaga sa akin noon, tapos ganito ang ginagawa ko sa kanya. napaka-ayos. wala talagang kwenta ang apo niyang si kurai. kahit naman siguro sa iba. haha...buhay pa naman ako, sa hangin lang.
mukhang naguguluhan na naman ako sa sarili ko kung ano ba talaga ang silbi ko sa mundo at parang pinagtitripan na naman ako ng pagkakataon. ayos na ayos ang mga ginawa sa akin ng "massive secret oraganization" na walang gawin kungdi gawing miserable ang buhay ko. haha, katangahan talaga ang mga pinag-iisip ko, at kung sino-sino na lang ang mga sinisisi ko sa lhat ng kamalasan ko sa buhay. masaya naman na nakakapaglakad pa ako, nakakatingin ng mga panget at magaganda, nakakamoy ng mabango at mabaho, at nakakaramdam ng saya at pighati. di bagay sa akin ang mga ganito, pero sa totoo lang, ganito na ang kalakaran ng buhay ko. pansamantalang swerte, pangmatagalang kamalasan. pero bakit kung ganito ako na laging "failure" ang iniisip, di pa ako namamatay? ang sagot...di ko rin alam. parang dati iniisip ko na yan, kaso ayaw ko yung kamatayang walang ginagawa. ang gusto ko kung mamamtay man lang ako, may nililigtas akong nasa panganib. at least, bayani pa at may bayad pa ang kabayanihan. panggastos sa bahay at kung sa ano man. pero wala pang nangyayaring ganun. mukhang gusto pa akong buhayin ni papa jesas, at magkaroon ng anak na artist, architect at musician. masaya yun kaso inaaksaya ko lang yung aking mga punla sa tuwalya at sa withdrawal. ayos, sa katayuan ko kasi ngayon, di pa pwede. mahirap pa ako at wala pa yung sparkplug ng buhay. kaya hanggang dun na lang. ang mangarap ng gising at mag-enjoy sa isang stick ng marlboro ng erpats ko.
bukas o mamaya, ako'y maggagala sa metro upang mag-soul searching. hahanapin ang mga isang parte ng aking kaluluwang ligaw. hanggang ngayon kasi di pa nakikita. kaya siguro ako ganito, wala ang kalahati. reklamo ako ng reklamo wala namang ginagawang matino. engots kasi ako eh. hay naku...at mukhang ako na'y napag-iiwanan. kasalanan ko rin naman, tatanga-tanga lang talaga ako.
mukhang nag-eenjoy na naman ako sa zazen boys.
ang hirap kasi sa akin, puro ako pantasya at bulag sa katotohanan. ayos, parang si rachel alejandro lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment