Monday, November 15, 2021

She's so high and it hurts.

Kasalakuyang nakikinig ng She's So High ni Tal Bachmann. Sa tuwing napapakinggan ko ito, naalala ko mga "para sa akin" high class. Alam mo naman, simple lang ako. Marunong magluto, ok na, kasi hindi ako marunong nun. Ganon lang talaga ako.

Nakilala kita at para sa akin high class ka. Pero hanga ako at minahal kita kasi bumaba ka sa level na kung nasaan ako. Masaya ako. Meron na para sa akin. Fast forward, meron akong mali, meron ka rin mali. Nag-away tayo at wala ka na tiwala sa akin. 

Ang hirap kasi baka iniisip mo na puro lang ako good time sa tuwing umaalis ako ng bahay. Puro trabaho yun para sa atin. Kung may good time, isang simpleng inuman lang yung kasama ng mga matalik na kaibigan at kasama sa trabaho. Oo, may nakakausap akong iba, pero tulad nga sa ainabi ko ng una, hindi ko rin maintindihan kung bakit ka nanlamig sa akin. Biglaan, wala kang sinabi. Tinatanong kita, umiiwas ka. Ganyan cycle natin, mahal natin ang isa't isa pero unti-unti ng nagkakalamat. Ngayon, umuuwi ako ng bahay, ang bungad mo agad sa akin kung kelan ako aalis. Sinong hindi maasar doon. Pinipilit kong ayusin ang lahat pero ikaw, hindi ka galit pero ganyan trato mo. Ayaw mo akong tignan, o kausapin man lang. Nagdadabog ka pag andyan ako. Ano ka ba? Ano ba talaga ang trip mo? Ang hirap na eh...ako na ang nag-papa kumbaba pero wala eh, matigas ka na. 

Dahil ba nagka ganito na ako at feeling mo napakataas mo na sa akin. Dyan ka mali, may sablay ka rin. Hindi ako mapag-hangad ng mataas, lalo na kung makakaapekto sa iba. Hindi ko ugali yun. Pareho lang tayong sablay sa totoo lang. Pinagtagpo tayo kasi sumablay tayo sa mga hinangad natin, at para sa tin mula sa iba. At dahil pareho tayong sablay, dapat magtulungan tayo para umangat. Pero ito ngayon, mataas ka na. Ang hirap mo na pababain. Pero kaya mo ba? Masaya ka pa ba? Hanggang kelan ka magiging ganito? Kapag namatay na ako..pabor sa iyo yan. Alam ko, pinipilit mo na lang, kasi may pride ka. Pero hindi kita masisisi. Mali din ako eh. Napag dusahan ko na ng isang taon mahigit yun. Marami na akong natutunan. Ayaw ko na balikan ang mga dating gawain, bumalik ka lang sa akin. Magsimula tayo ulit para pareho tayong makaahon. Tutal, tayo lang talaga ang magtutulungan para sa ating mga anak.

Umaasa pa rin ako para sa atin. Nanghihinayang ako sa panahon nating dalawa. 'Wag kang maalala, maayos na ako. Hindi na kita sasaktan ulit. Sana maliwanagan ka na rin, bago mahuli ang lahat para sa atin. Mahirap na ang buhay natin ngayon. Bigla na lang nawawala at laging nasa huli ang pagsisisi. Hindi ito pag ku-konsensya. Ayan lang nararamadaman ko, kasi para sa akin, ikaw na ang huli.

No comments: