Ang blog na ito ay naisulat noong March 22, 2012 ng madaling habang di pa ako nakakatulog. Una itong nakasulat sa moleskine. Dahil kapapatay ko lang ng pc, hinintay ko muna matapos ang araw para mailagay ko dito
Hindi ko alam kung bakit ang kulang ng mundo pag di ko man lang naka-usap si ____. Mga ilang linggo na rin ito at malungkot ako. Pagkatapos kasi ng Laoag trip niya, parang ang lamaig na ng lahat. Ewan ko ba kung bakit pero mukhang nag-move on na siya sa akin. Kasalanan ko rin kasi na di siya pinangalagaan at ako na lang ang aggressor. Mali din ang pagtrato ko sa kanya. Napagtanto ko rin na napakasama ko na talaga na tao at ang mga ito ay parusa dahil sa mga pinaggagawa ko. Ang buhay ko kasi ngayon ay di maintindihan. Maraming nakikilala, kamakalawa nawawala na. Matindi dito ako ang kadalasang luhaan. Tae kasi ako. Wala na ito.
Sa ngayon, ang lungkot pa rin. Kulang at nakakawalang gana. Mahirap ding mamili kung sino ba talaga. ang labo ng buhay at kasalanan ko kung bakit ganun. ang hirap talagang mawala sa iyo ang mga bagay na sa huli ay mahalaga pala sa iyo.
--pag di lumabas ang video, adik ako.
Thursday, March 22, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment